Friday, December 13, 2024
HomeLiteraryPoetryUniporming Kulay Abo

Uniporming Kulay Abo

Bukang liwayway kung umalis ng tahanan
Papuntang kulungan na siyang pinagtatrabahuan
Bitbit ang lakas ng loob at mga kagamitan
Na wari ba’y may gyerang pupuntahan.

Oo gyera, gyera nga ng bayan
Kung saan walang sandatang ginagamit kadalasan
Tanging lakas ng loob at tibay ng isipan
Ang syang dala-dala sa bawat laban.

Ang laban na ito ay hindi pansarili lamang
Ito’y laban ng pagbabago para sa mga nasa piitan
Mga taong pansamantalang tinanggalan ng kalayaan
Ng dahil sa kasalanang dapat din nilang pagbayaran.

Sa kanilang pagbabagong buhay kami’y nakabantay
Nagsisilbing gabay ay patuloy na umaalalay
At kahit harangan man ng sibat kami ay mas titibay
Gagawin ang lahat upang serbisyo ay maibigay.

Pagod at puyat ay di na namin alintana
Mahigpit na pagbabantay ay syang aming ginagawa
Sa bilangguang madilim ito ay magsisimula
Banaag ng pag-asa aming nakikita.

Tinatahak namin ang daan ng matulin
Bitbit ang mandato, layunin at tungkulin
Kami’y nagkakaisa sa iisang adhikain
Ang iwasto ang tama at ang masama ay lipulin.

May mga pagkakataong ang tropa’y minamalas
Sa kadahilanang bagito pa’t balat sibuyas
Matinding problema ang minsa’y dinaranas
Sing lamig sa loob ng bakal na rehas.

Mahirap pumasok sa kweba ng madilim ang kapalaran
Sapagkat di madali ang kanilang pinagdaraanan
Kung ika’y magkamali ng isang hakbang lang
Tiyak masama ang yung paroroonan.

Pero kahit anung dagok man ang sa ami’y nag-aantay
Patuloy kaming tatayo at magbibigay pugay
Sa sinumpaang tungkulin lahat ibibigay
Serbisyong kahulilip na kahit buhay i-aalay.

Kaming mga opisyal na tagapamahala ng piitan
Bukas ang palad sa mga nangangailangan
Mapa-PDL man o simpleng mamayan
Ito’y taos puso naming pinagsisilbihan.

Kagaya ngayun na may pandemiko
Kung saan nagkalat ang COVID- 19 dito
Gumawa kami ng mga hakbang upang ito’y masugpo
Nang sa gayo’y di na ito makapamerwisyo.

Nagsakripisyo ang ilang kasamahan
Piniling walang uwian sa mga tahanan
Upang ang pagpasok ng covid ay mapigilan
At di na ito maghasik ng lagim sa loob ng piitan.

Nakakalungkot mang isipin
Na pati dalaw ng PDL kailangan masakripisyo din
Pansamantala itong di papapasukin
Habang di humuhupa ang bagsik ng COVID-19.

Kami’y nagtulungan at gumawa ng paraan
Upang ang kalungkutan ng PDL ay maibsan
Naglungsad ng Programa and aming butihing pamunuan
E-Dalaw Program and tawag naming dyan.

Itong propesyun kung saan kami nabibilang
Buong puso namin itung pagsisilbihan
Pagkat itoy amin naging pangalawang tahanan
Na patuloy naming pangangalagaan.

Sa kabila man ng hirap na aming pinagdaraanan
Malugmok man kami sa apat na sulok ng pader ng piitan
Di kami tatalikod sa aming sinumpaan
Bagkus magkakaisa kami para sa minimithing kapayapaan.

Mahirap man ang tungkulin na ito
At marami mang pagsubok at problemang dumarating dito
Kami’y patuloy parin na magseserbisyo
Dala-dala ang watawat at suot and uniporming kulay abo.

RELATED ARTICLES

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Most Popular

Recent Comments